
Ilang beses ding naipamalas ng Kapuso artists at real life sweethearts na sina Barbie Forteza at Jak Roberto ang kani-kanilang galing sa pag-arte sa 'Wagas' noong nasa GMA News TV pa ito.
Ngayong lumipat na ang programa sa GMA-7, hindi maitago nina Barbie at Jak ang tuwa sa mas pinalakas na Wagas.
“I'm actually happy for Wagas kasi nga nag-expand na sila,” saad ni Barbie.
“Naging daily program na sila tapos nailipat na rin sila sa day time slot ng GMA-7 so ang galing.”
Para naman kay Jak na “suki” ng Wagas, mas masayang mapapanood na araw-araw ang award-winning anthology.
Aniya, “Nakakatuwa na naging suki ako ng Wagas tapos ngayon lilipat siya sa GMA-7 and naging good for one month.”
Ang unang istorya ng Wagas ay pinamatagang 'Throwback Pag-ibig' na pagbibidahan nina Sunshine Dizon, Mike Tan, at Leanne Bautista.
Kasama rin nila sa 'Throwback Pag-ibig' sina Regine Angeles, Mailes Kanapi, at Lovely Abella.
Tutukan ang unang episode ng 'Throwback Pag-ibig' ngayong September, sa GMA.