
Lingid sa kaalaman ng karamihan, 12 years mag-boyfriend at girlfriend ang aktor na si Mike Tan at ang kanyang asawa bago sila nagpakasal.
At sa tagal ng panahon na 'yon, may aral na natutunan si Mike, "Lagi mong pipiliin 'yung mahal mo kaysa sa iba."
Nakatakdang mapanood si Mike sa 'Wagas: Throwback Pag-ibig' kung saan makakasama niya si Sunshine Dizon.
Patuloy pa ng aktor, "Dapat lagi mo silang priority kumpara sa iba, whether it's friends, family."
Samantala, nagbahagi din ng relationship advice ang iba pang co-stars ni Mike sa Wagas.
Ani Regine Angeles, dapat enjoy-in ng mga bagong mag-asawa ang panahon na wala pa silang anak.
"Mag-take advantage na kayo ng time niyo together kasi 'pag nagkaroon na kayo ng anak, iba na talaga."
May anak na si Regine sa kanyang asawa na si Van Victor Leaño.
Dagdag niya, "I'm not saying na it's not fun. Pero iba na kasi marami nang kahati pero mas masaya siya. Pero iba kasi 'yung feeling nung love na kayong dalawa lang."
READ: Regine Angeles, na-challenge kay Direk Adolf Alix, Jr. sa 'Wagas'
Nagbigay din ng payo si Iyah Mina, ang kauna-unahang transgender na tumanggap ng Best Actress award, at si Mailes Kanapi.
Panoorin yan sa video na ito:
Huwag palampasin ang unang istorya sa Wagas na pinamagatang 'Throwback Pag-ibig' ngayong Lunes, September 2, bago mag Eat Bulaga