GMA Logo Carmi Martin, Bong Revilla, Beauty Gonzalez, Max Collins
PHOTO COURTESY: walangmatigasnapulisgma (IG)
What's on TV

Carmi Martin, natutuwang makatrabaho ang kanyang 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis' co-stars

By Dianne Mariano
Published May 31, 2023 3:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump brands fentanyl a ‘weapon of mass destruction’ in drug war escalation
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Carmi Martin, Bong Revilla, Beauty Gonzalez, Max Collins


Abangan ang seasoned actress na si Carmi Martin sa upcoming action-comedy series na 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.'

Malapit nang mapanood ang pinakabagong action-comedy series ng GMA, ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.

Nagsama-sama ang stellar cast ng nalalapit na serye sa media conference na naganap sa Seda Hotel, Quezon City noong Biyernes (May 26). Nagkaroon din ng oportunidad ang mga miyembro ng press na makapanayam ang mga bumubuo ng show sa naturang event.

Kabilang sa cast ng upcoming action-comedy series ay ang versatile actress na si Carmi Martin.

Isang post na ibinahagi ni Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis (@walangmatigasnapulisgma)


Kinumusta ng isang miyembro ng press ang karanasan ni Carmi na makatrabaho sina Bong Revilla Jr. at Beauty Gonzalez, na gaganap bilang ang mag-asawang sina Major Bartolome Reynaldo o Tolome, at Gloria.

Ayon sa batikang aktres, labis siyang nagpapasalamat sa oportunidad na ibinigay sa kanya para maging bahagi ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis at natutuwa rin siya na makatrabaho sina Bong at Beauty sa show.

Ito rin ang unang pagkakataon na makakatrabaho ni Carmi ang batikang action star.

“Napaka-light niya. Parati niya kaming pinapakain, inaalagaan. At the same time, kung may makikita siya na ikagaganda pa ng role mo, which I really appreciate, sasabihin niya sa 'yo. Nakakatuwa," kuwento ni Carmi tungkol kay Bong.

Patuloy niya, “Si Beauty madalas ko nang makatrabaho 'yan at ako'y talagang natutuwa na nagkasama kami ulit sa palabas na ito. Sa lahat ng management ng GMA, ako po ay nagpapasalamat na nakasama ako sa isang malaking proyekto na ito.”

Sa panayam naman ng GMANetwork.com kay Carmi, natutuwa rin siya na nakasama at nakatrabaho si Max Collins sa nalalapit na serye. Sa katunayan, nakatrabaho na niya ang Kapuso star sa hit sitcom na Happy ToGetHer.

“Si Max nakasama ko sa Happy ToGetHer sa Boracay. So, nag-bonding-bonding kami. Nakakatuwa,” pagbabahagi niya.

Huwag palampasin ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis simula June 4 sa GMA.


SAMANTALA, SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES PHOTOS NG 'WALANG MATIGAS NA PULIS SA MATINIK NA MISIS' PICTORIAL SA GALLERY NA ITO.