GMA Logo Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis ratings t-card
PHOTO COURTESY: Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis (FB)
What's on TV

'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis,' wagi sa TV ratings!

By Dianne Mariano
Published July 1, 2023 9:56 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Bogo City, Cebu buy-bust yields P7.5-M shabu, drug suspect
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis ratings t-card


Nakapagtala ng mataas na TV ratings ang recent episode ng action-comedy series na 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.'

Patuloy na tinututukan ng mga manonood ang mga maaksyon at nakatutuwang eksena ng action-comedy series ng GMA na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis, na pinagbibidahan nina Ramon “Bong” Revilla Jr., Beauty Gonzalez, at Max Collins.

Sa katunayan, umani ng 12 percent ang ratings ng ikaapat na episode ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis, na ipinalabas noong June 25, ayon sa NUTAM People Ratings.

Sa episode na ito, matatandaang nagtungo si Tolome (Bong Revilla) at ang kanyang pamilya sa isang amusement park. Isang keychain ang napulot ni Tolome at nakalagay doon ang logo ng Brainwash Inc.

Binigyan naman ni Elize (Max Collins) ng pera ang isang babaeng nagreklamo sa barangay dahil na-scam ang asawa nito.

Isang lalaki naman ang lumapit kay Gloria (Beauty Gonzalez) ngunit tinawag niya itong “Jenny” at may inaabot na malaking halaga ng pera. Pinaalis agad ni Gloria ang lalaki dahil hindi niya ito kilala.

Isang babae naman ang nagsabing si Gloria ang kumuha ng pera niya ngunit napag-alaman nina Bartolome na ang tunay na scammer ay ang dalagang si Jessica. Ikinuwento ni Jessica kina Bart, Style (Niño Muhlach), at Pretty (Angel Leighton) ang lahat tungkol sa modus, na nalaman nilang pinapatakbo rin ng Brainwash Inc.

Inilahad din ng dalaga na ang pangalan ng kanilang manager ay si “Mata.” Dahil dito, nagplano si Bart at ang kanyang team ng entrapment operation. Ano kaya ang mangyayari kina Tolome at sa kanyang team?

Balikan ang nakaraang episode ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis sa video sa ibaba.

Patuloy na subaybayan ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis tuwing Linggo, 7:50 p.m., sa GMA.

SAMANTALA, SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES PICTORIAL NG WALANG MATIGAS NA PULIS SA MATINIK NA MISIS SA GALLERY NA ITO.