
Sa ikaanim na episode ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis, nagtungo sina Major Bartolome Reynaldo kasama ang kapulisan at bomb squad sa unibersidad dahil mayroong nagtanim ng bomba sa loob ng campus.
Nahanap ni Tolome ang bomba at nilagay ito sa loob ng refrigerator para doon sumabog. Sa kabutihang palad, walang nasawi sa nangyaring pagsabog.
Na-scam naman ang asawa ni Tolome na si Gloria matapos dumating ang isang package na hindi naman niya binili. Napag-alaman naman ng kapulisan na lumalaganap na ang mga scammer. Maging sa barangay ay mayroon ding mga nagrereklamo dahil sila ay diumano'y na-scam.
Samantala, nahuli at dinala ni Style sa police station ang lalaki na isa sa mga nagde-deliver ng packages ngunit hindi nito alam kung ano ang nilalaman ng mga ito.
Sa tingin naman ni Tolome ay walang kinalaman ang lalaki sa Brainwash Inc. pero may kinalaman ito sa paglagay ng bomba.
Natuklasan naman nina Tolome, Style, at Pretty na dalawang lalaki ang namatay at isa na rito ang delivery rider na kanilang nakausap sa presinto. Hindi naman nalaman nina Tolome kung sino ang pumatay sa dalawa.
Isang lapida naman ang natanggap ni Tolome na mayroong pangalan at larawan niya ngunit hindi niya kilala kung sino ang nagpadala nito sa police station.
Patuloy na subaybayan ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis tuwing Linggo, 7:50 p.m., sa GMA.
Balikan ang mga eksena sa Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis dito.
Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis: Tiya Lucing, nabiktima ng fake delivery! (Episode 6)
Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis: Learn to say sorry to your kids! (Episode 6)
Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis: Candida, hinabol ang bomber?! (Episode 6)
Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis: Lapida delivery for Tolome! (Episode 6)
Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis: Bomba ka lang, Tolome to! (Episode 6)
SAMANTALA, BALIKAN ANG MGA MATITINDI AT NAKATUTUWANG EKSENA SA PILOT EPISODE NG WALANG MATIGAS NA PULIS SA MATINIK NA MISIS SA GALLERY NA ITO.