GMA Logo Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis timeslot artcard
PHOTO COURTESY: Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis (Facebook)
What's on TV

'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis,' mapapanood na sa mas maagang timeslot!

By Dianne Mariano
Published August 10, 2023 3:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Oscars to stream exclusively on YouTube from 2029: Academy
4th leg ng Noel Bazaar nasa Filinvest Tent sa Alabang, mula Dec.19-21, 2025 | 24 Oras
Concerns raised over damage to flood control project in Surigao del Norte

Article Inside Page


Showbiz News

Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis timeslot artcard


Mapapanood na ang 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis' tuwing Linggo sa oras na 7:15 p.m. pagkatapos ng 'BBLGANG.'

Mas maaga nang mapapanood ang high-rating Kapuso action-comedy series na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.

RELATED CONTENT: 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis' actors, puspusan ang paghahanda para sa kanilang roles sa serye

Mapapanood ang mga maaksyon at nakatutuwang tagpo ng naturang serye tuwing Linggo sa oras na 7:15 p.m.


Bukod sa bagong timeslot, patuloy na umaani ng mataas na TV ratings ang programang pinagbibidahan nina Ramon “Bong” Revilla Jr., Beauty Gonzalez, at Max Collins.

Matatandaan na nakapagtala ang 10th episode ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis ng 11.2 percent na ratings, ayon sa NUTAM People Ratings.


Patuloy na subaybayan ang mga kaabang-abang na tagpo sa Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis tuwing Linggo, 7:15 p.m., sa GMA pagkatapos ng BBLGANG.