GMA Logo Angel Leighton
What's on TV

Angel Leighton reveals her birthday wish

By Dianne Mariano
Published August 15, 2023 11:50 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Pres. Bongbong Marcos at the naming and delivery ceremony of bulk carrier Hull No. SC443 (Jan. 15, 2026) - Replay | GMA Integrated News
Brgy chairman in Zarraga, Iloilo accused of r@ping teen
A new 'Heated Rivalry' book is coming this September

Article Inside Page


Showbiz News

Angel Leighton


Ano kaya ang birthday wish ni 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis' actress Angel Leighton matapos ipagdiwang ang kanyang 21st birthday?

Ipinagdiwang ng Sparkle actress na si Angel Leighton ang kanyang 21st birthday kamakailan.

Related content: Angel Leighton marks 21st birthday in style

Nagkaroon din ng post-birthday celebration ang mestiza beauty noong nakaraang August 11.

Sa naganap na recent TikTok Live, ibinahagi ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis actress ang kanyang birthday wish at ito raw ay ang maging masaya.

“Ang wish ko talaga is maging masaya,” aniya.

Ayon sa Kapuso artist, mayroon siyang pinagdadaanan ngayon ngunit hindi na niya ito idinetalye.

Dagdag pa niya, “Alam 'to ng family ko. Alam 'to ng mga close friend, ko, mga bestfriend ko, na 'yun talaga 'yung number one wish ko sa birthday ko na maging masaya.”

Bukod sa pagiging masaya, isa pa sa birthday wish ng 21-year-old star na maging matagumpay sa kanyang showbiz career.

“Nagwo-workshop talaga ako. Lahat ng talents ko, pinaghihirapan ko 'yan. Nagpa-practice ako, nagre-record ako ng kanta, nagsusulat ako ng kanta para sa akin, para maging better ako,” pagbabahagi niya.

Nagbigay naman ng suporta sina Kapuso actress-host Maey Bautista at ang mga tumutok sa TikTok Live para kay Angel.

Samantala, ibinahagi rin ng aktres sa Instagram ang kanyang glamorous birthday photoshoot, kung saan suot niya ang iba't ibang stylish outfits.

A post shared by Angel San (@angelleighton_)

A post shared by Angel San (@angelleighton_)

A post shared by Angel San (@angelleighton_)

Subaybayan ang role ni Angel bilang Patrolwoman Pretty Competente sa season finale ng action-comedy series na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis, Linggo, 7:15 p.m., sa GMA.