
Mapapanood ang Sparkle actress na si Lianne Valentin sa upcoming action-comedy series na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2.
Related gallery: Get to know Lianne Valentin
Ang nasabing serye ay pagbibidahan nina Bong Revilla Jr. at Beauty Gonzalez.
Sa panayam ng GMANetwork.com kay Lianne, ibinahagi ng aktres na ito ang unang pagkakataon na gaganap siya bilang isang abogado. Puspusan din ang kanyang paghahanda para sa bago niyang role.
“Isa akong attorney dito and isa ako sa mga katulong nila kapag kailangan nila ng isang attorney. Iba ito sa mga nagawa kong role before so kailangan ko talagang mag-research, pag-aralan nang mabuti 'yung role ko talaga, and paano ako mag-i-incorporate ng mga pasundot-sundot na comedy dito sa role ko na 'to. Happy ako and very excited,” pagbabahagi niya.
Ayon pa sa Kapuso star, masaya siya na nakatrabaho sina Bong, Beauty, at ang iba pang cast ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2.
Aniya, “Very happy. Si Ate Beauty, matagal ko na siyang nakikita, matagal ko na siyang napapanood. Actually, nasabi niya sa akin na nanonood siya ng Apoy Sa Langit before. Happy ako na finally makakatrabaho ko na siya.
"Si Senator Bong, excited akong makatrabaho siya. Actually noong nag-taping kami, sobrang fun lang niya kausap, sobrang light lang ng environment kapag kasama sina Senator Bong. Ang sarap lang na makatrabaho sila kasi very friendly, very collaborative, and very creative rin sa eksena na talagang tatawa ka.”
Abangan ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2 sa darating na Pebrero sa GMA.