GMA Logo Beauty Gonzalez
PHOTO COURTESY: Rene Mejia
What's on TV

Beauty Gonzalez, nakakaramdam pa rin ng pressure sa 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 3'?

By Dianne Mariano
Published December 24, 2024 1:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Scottie Barnes hits special triple-double, Raptors top Warriors in OT
1 dead, 1 hurt after tunnel collapses in Zamboanga del Sur
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Beauty Gonzalez


Inamin ng versatile actress na si Beauty Gonzalez na minsan ay nakakaramdam siya ng pressure sa kanyang pagganap sa 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 3.'

Kasalukuyang bumibida si Beauty Gonzalez bilang Gloria Reynaldo sa ikatlong season ng Kapuso action-comedy series na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.

Sa panayam ng GMANetwork.com sa versatile actress, labis ang kanyang excitement at pasasalamat nang malaman na magkakaroon ng ikatlong season ang nasabing programa.

“Sobrang excited and thankful kasi syempre I really enjoyed doing this show and I'm just happy to see everyone again,” pagbabahagi niya.

Natutuwa rin si Beauty Gonzalez dahil sa masayang samahan nila ng kanyang co-stars sa serye at inamin niyang minsa'y nakakaramdam siya ng pressure sa comedy.

Aniya, “Masaya, parang lang kaming naglalaro. It's very spontaneous, everything is so natural, which is really good kasi kapag comedy kasi dapat komportable ka, natural lang 'yung pagbato mo ng linya, and everyone here is so good e so nakakahawa 'yung galing nila.

“Minsan nakaka-pressure nga e. Kasi when you do comedy, you have to be quick, and smart, and funny, and you have to be really smart also para ma-catch mo agad.”

Bukod dito, puspusan ang pisikal na paghahanda ni Beauty Gonzalez para sa kanyang karakter na si Gloria.

“I did a bit of workout kasi may action din kami dito and Sen. Bong [Revilla] is so energy so I have to keep up with him, with all the running. I did a lot of lifting and workout para lang to keep up with him kasi ang galing niya mag-action e,” kuwento ni Beauty.

Subaybayan ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 3 tuwing Linggo, 7:15 p.m., sa GMA.

BALIKAN ANG NAGANAP NA MEDIA CONFERENCE NG WALANG MATIGAS NA PULIS SA MATINIK NA MISIS SEASON 3 SA GALLERY NA ITO.