Pilot episode ng 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis,' umani ng 1M views sa YouTube!

Hindi lamang sa telebisyon sinusubaybayan ng mga manonood ang bagong action-comedy series ng GMA na 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis' kung hindi maging sa social media.
Sa katunayan, umabot na sa one million views ang pilot episode ng nasabing serye sa video-sharing application na YouTube.
Bukod sa maraming views, panalo rin sa TV ratings ang kauna-unahang episode ng 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis' dahil nakapagtala ito ng 12.3 percent, ayon sa NUTAM People Ratings.
Marami rin sa netizens ang naaliw at natuwa sa pilot episode dahil sa mga maaksyon at nakatutuwang eksena nito.
Balikan ang mga maaksyon at nakatutuwang mga tagpo sa pilot episode ng 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis' sa gallery na ito.












