'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis,' namamayagpag sa ratings!

Talagang sinusubaybayan ng mga manonood ang mga maaksyon at nakatutuwang tagpo sa action-comedy series ng GMA, ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis, na pinagbibidahan nina Bong Revilla Jr., Beauty Gonzalez, at Max Collins.
Sa katunayan, umani ng mataas na TV ratings ang ika-anim na episode ng nasabing serye.
Nakapagtala ang 6th episode ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis, na ipinalabas noong July 9, ng 11.4 percent na ratings ayon sa NUTAM People Ratings.
BALIKAN ANG ILANG HIGHLIGHTS SA NAKARAANG EPISODE NG WALANG MATIGAS NA PULIS SA MATINIK NA MISIS SA GALLERY NA ITO.










