Bong Revilla Jr. and Beauty Gonzalez, grateful na muling makakapaghatid ng saya sa 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2'

Tiyak na mapupuno ng saya ang Sunday nights n'yo dahil sa mas level up na aksyon at kulitan sa second season ng 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.'
Humarap sa mga miyembro ng press ang star-studded cast ng nasabing action-comedy series sa naganap na media conference kamakailan sa Seda Vertis North.
Labis ang pasasalamat ng lead stars na sina Bong Revilla Jr. at Beauty Gonzalez sa Kapuso network dahil sa oportunidad na ibinigay sa kanila na muling makapaghatid ng saya sa mga manonood sa pamamagitan ng kanilang serye.
“I'm very thankful sa GMA dahil sa tiwala na binigay nila sa akin. At mas pinalaki na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis ang ibinigay nila,” ani Bong.
Balikan ang mga masasayang pangyayari sa naganap na media conference ng 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2' sa gallery na ito.


















