TV

READ: Celia Rodriguez, humanga nang husto kina Barbie Forteza at Kate Valdez!

By Felix Ilaya

Kompleto ang cast ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday sa naganap na media conference nito last January 21.

Tinanong ng isang miyembro ng press ang veteran actress na si Celia Rodriguez tungkol sa kung ano ang mapapayo niya sa younger co-stars niyang sina Barbie Forteza at Kate Valdez.

Aniya, "Hindi na dapat payuhan 'yan, they know what they're doing, ang gagaling. I know they're going to have a good future for as long as they retain their professionalism.

"Si Barbie, napaka-professional niyan at saka cariñiosang bata. Eto namang si 'Sexy' (Kate Valdez) 'oh, 'yung apo ko [sa show]. Napaka-professional.

"Kaming mga medyo may edad na, nale-late, nahihiya kami sa mga bago. Palaging nasa set, naka-makeup, at alam ang mga lines.

"I'm so proud na ang mga batang ito, they will have a good future because not only do they look up at us, pero nagtatanong sila kung 'Dapat ba ito? Dapat ba itong salitang ganito?'

"They really have a goal to be someone [who] people will look up to when the time comes. I know that Barbie and Kate will be big stars and I will look up at them and say 'Wow, I worked with them!'"

Sa exclusive interview naman ng GMANetwork.com kay Kate, hindi naitago ng young actress ang kilig nang tanungin tungkol sa mga magagandang sinabi sa kaniya ni Miss Celia.

"Kung nakita n'yo 'yung reaction ko kanina, natuwa ako at kinilig ako dahil naa-appreciate niya 'yung ganoon. Lalo akong na-inspire na 'pagpatuloy 'yung ganoong thinking ko, 'yung professionalism, 'kung ano'ng ginagawa ko sa work. 'Pagpapatuloy ko 'yon dahil napapansin pala nila," kuwento ni Kate.

Abangan sina Celia Rodriguez, Barbie Forteza, Kate Valdez, and more bright stars sa Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday on GMA Primetime this January 27 na!