GMA Logo Kate Valdez
What's on TV

Kate Valdez, na-pressure sa "vlog" na ginawa ni Barbie Forteza sa 'Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday'

By Felix Ilaya
Published June 8, 2020 12:30 PM PHT
Updated August 2, 2020 12:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Side-hustling Pinoys bring artists to Dubai for the holiday season
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Kate Valdez


Mapapanood na ang "vlog" ni Caitlyn, played by Kate Valdez, sa online exclusive ng 'Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday' ngayong Lunes.

Last Monday, June 1, in-upload ni Ginalyn (Barbie Forteza) ang kaniyang apology vlog and makeup tutorial para sa online exclusive ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday. Dito, humingi siya ng tawad sa kaniyang Sishie na si Caitlyn (Kate Valdez).

Ngayon naman, mapapanood na ang reaksyon ni Caitlyn sa video ni Ginalyn!

Ayon sa Kapuso Showbiz News interview ni Kate Valdez, inamin ng young actress na nahirapan siya sa paggawa ng "vlog"dahil ibang-iba ito sa nakasanayan niya sa set.

Aniya, "Not gonna lie, mahirap siya. Mahirap kapag walang tao, 'yung vibe ng set, I guess nakakatulong 'yung mga tao doon 'eh, directors, assistant directors, staff, kahit nag-aayos ng camera, nakakadagdag sila sa vibe ng pag-arte.

"Ngayon na ako lang nagfi-film sa sarili ko, ang hirap. Ang hirap pala maging vlogger! Andami kong mali, siguro mga nasa-100 'yung mga dinelete ko na bloopers ko."

Gayunpaman, talagang kaabang-abang pa rin daw ang reaction vlog ni Caitlyn na mapapanood na ngayong Lunes sa GMA Drama Facebook page at GMA Network YouTube channel.

Panoorin ang Kapuso Showbiz News interview ni Kate para sa Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday below: