
Nagsimula na ulit magtaping ang Kapuso Primetime drama series na Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday na striktong sumusunod sa new normal protocols.
Sa Instagram post ng aktres na si Snooky Serna, in-upload niya ang isang behind-the-scenes video na kuha pa mula sa kanilang set kung saan pinakita niya ang co-stars niyang sina Barbie Forteza at Jay Manalo at ang direktor nila na si Mark Dela Cruz.
Active rin ang manager nina Snooky at Dina Bonnevie na si Leo V. Dominguez sa pag-share ng kanilang photos sa new normal taping.
Silipin ang kanilang photos:
Bago nahinto ang taping ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday, nagwakas na ang friendship nang mag-Sishie na sina Ginalyn (Barbie Forteza) at Caitlyn (Kate Valdez) sapagka't nalaman na ni Caitlyn na si Ginalyn pala ang bagong nagpapatibok ng puso ni Cocoy (Migo Adecer).
Muling balikan ang huling episode ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday bago mag-lockdown sa video below: