GMA Logo Barbie Forteza in Anak ni Waray vs Anak ni Biday
What's on TV

Barbie Forteza reacts to her 'Anak ni Waray vs Anak ni Biday' confrontational scene

By Cara Emmeline Garcia
Published February 25, 2021 10:41 AM PHT
Updated February 25, 2021 12:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Steel Ball Run: JoJo's Bizarre Adventure' to release first episode in March 2026
My Chemical Romance moves Asia show dates to November 2026fa
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Barbie Forteza in Anak ni Waray vs Anak ni Biday


Ano ang masasabi ni Barbie Forteza sa latest confrontational scene ng kanyang karakter na si Ginalyn sa 'Anak ni Waray vs Anak ni Biday?'

Maraming netizens ang muling napahanga ni Barbie Forteza sa ipinamalas nitong galing sa pag-arte sa fresh episodes ng GMA Primetime series na Anak ni Biday vs Anak ni Waray.

Maalala noong Lunes, February 23, natuklasan na ni Ginalyn na ama niya si Joaquin Escoto na ginagampanan ni Jay Manalo, matapos niyang marinig ang diskusyon ng kanyang ina (Snooky Serna) at ninang.

Panoorin ang eksenang ito:

Sa kanyang Twitter account, nag-react si Barbie sa nasabing eksena at ikinuwento pa ang komento ng Anak ni Waray vs Anak ni Biday director na si Mark dela Cruz.

Ani ng Kapuso actress, “Pagkatapos ng eksenang 'to, sabi sa akin ni Direk Mark [dela Cruz], 'Namiss mo umarte noh?'

“BWAHAHAHAHAHA!!! 'Yung ramdam na ramdam ko 'yung eksena kasi Amy rin ang pangalan ng nanay ko in real life!"

Dagdag pa n'ya, “Pero kung sinagot ko siya ng ganito, for sure, konyat ang aabutin ko. Hahaha!”

Sa parehong tweet, kinomendahan din ng akrtres na si Tina Paner ang kanyang former Inday Will Always Love You co-star sa angking galing nito sa pag-arte.

Sulat ni Tina, “Ang galing mo d'yan sa eksena @dealwithBarbie…. Magaling ka naman talaga.”


Mapapanood ang Anak ni Waray vs Anak ni Biday mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng 24 Oras.

Samantala, tingnan ang mga intense scenes na dapat abangan sa GMA Primetime soap sa gallery na ito: