GMA Logo Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Yasser Marta with suzi abrera
Source: unanghirit (IG)
What's on TV

Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Yasser Marta speak about the inspiration behind their roles in 'What We Could Be'

By Jansen Ramos
Published August 18, 2022 12:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
Balitanghali Livestream: April 16, 2026
Cebu City logs 50 road accidents since start of 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Yasser Marta with suzi abrera


Mapapanood ang 'What We Could Be' simula August 29, 8:50 p.m., pagkatapos ng 'Lolong' sa GMA Telebabad.

Mapapanood na simula August 29 ang first local series ng Quantum Films sa pakikipagtulungan sa GMA, ang What We Could Be.

Pinagbibidahan ito ng Kapuso stars na sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, at Yasser Marta na may kanya-kanyang hugot sa primetime drama.

Noong August 16, nag-guest ang tatlo sa Unang Hirit, kung saan ibinahagi nila ang kanilang mga inspirasyon sa pagganap sa kanilang roles.

Gaganap si Miguel bilang Franco, isang lalaki na nagkaroon ng alitan sa kanyang Lola Onor, na gagampanan naman ng iconic OPM singer na si Celeste Legaspi, sa What We Could Be.

Kung may hidwaan sila ng kanyang lola sa serye, kabaligtaran daw ito sa nangyayari in real life dahil malapit si Miguel sa kanyang mga lola.

Aniya, "Actually, marami po akong lola e. Kunwari 'pag meron kaming event sa bahay, mga four to six na lola ko po ando'n so ang dami.

"Ako po, hindi ako touchy na tao, 'yung lambing ko dinadaan ko sa pabiro sa kanila, nagbibiruan kami, nagkukulitan."

Si Ysabel naman ang gaganap bilang Cynthia, isang nurse na breadwinner ng pamilya.

"Sobrang nag-research din ako, part of that is also watching shows. Fan ako ng Grey's Anatomy so feeling ko nakatulong din naman 'yun sa role ko."

Pangarap ng Cynthia na makapagpatayo ng isang panaderia. Sa tunay na buhay, nagkaroon ng home bakery sila Ysabel noon kaya nahilig din siya sa pagbe-bake.

Patuloy niya, "At the same time, mas nag-research ako when it comes to baking kung paano gumawa ng tamang pandesal, kung paano 'yung tamang tricks sa pastries na hindi ko po familiar kung paano gawin."

Special friend naman ni Yasser Marta si Ysabel sa What We Could Be.

Kaya tanong ng Unang Hirit host na si Suzi Abrera sa aktor, "Na-experience mo na rin ba ma-in love sa best friend mo?"

Sagot ni Yasser, "Siyempre no'ng nag-aaral pa 'ko, siyempre 'yung mga kasama natin mga classmate natin, mga babae ganyan araw-araw. Coed na ko no'ng highschool kaya ayun 'yung masarap na feeling na magkagusto ka sa kaibigan mo, 'di ba?"

Katwiran ng aktor, may consequence din ito.

"Pero, at the same time, pwedeng s'ya rin 'yung sakit kasi kaibigan mo 'tapos minahal mo."

Panoorin ang guesting nina Miguel, Ysabel, at Yasser sa Unang Hirit sa video na ito:

Mapapanood ang What We Could Be simula August 29, 8:50 p.m., pagkatapos ng Lolong sa GMA Telebabad. Ito ay mula sa direksyon ni Jeffrey Jeturian.

NARITO ANG PASILIP SA BAGONG SERIES: