
Always present ang ina ni Ysabel Ortega na si Michelle Ortega at ang stepad ng Kapuso star na si PDEA deputy director general, Greg Pimentel, sa mga espesyal na milestone ng kanilang anak.
Noong July 25, 2022, dumalo ang mag-asawa sa special screening ng pilot week ng bagong serye ni Ysabel na What We Could Be na ipapalabas na ngayong August 29 sa GMA Telebabad.
Ayon kay Ysabel sa media conference kamakailan ng rom-com series, proud sa kanya ang kanyang ina para sa kanyang launching series sa GMA kung saan gaganap siyang isang nurse.
Aniya, “My mom, sobrang happy siya for me kasi, of course, after everyone, you know, my mom has been my best friend. Siya ang nakakaalam ng passion ko, 'yung journey ko sa craft ko na ito.
“I guess her seeing my scenes and, you know, finally watching what we've been working hard for the past few months, sobrang natuwa siya."
Bahagi pa ni Ysabel, naiyak daw ang kanyang mom at step dad, na kung tawagin niya ay "Daddy," sa kanyang mga eksena sa What We Could Be.
Patuloy niya, “Not just her, but my dad as well. Sabi nga nila, nagpapasahan pa sila ng panyo sa cinema, which nagulat ako, because my dad doesn't usually cry at the movies. It was really nice to know that they're proud of me. Talagang natutuwa ako na nandiyan sila for me all the time. And yeah… they're just very happy.”
Ang biological father ni Ysabel ay ang action star at senador na si Lito Lapid.
Ipapalabas ang What We Could Be mula Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., pagkatapos ng Lolong sa GMA.
May replay naman ang serye sa GTV-Channel 27 weeknights. Ipapalabas ito mula Lunes hanggang Huwebes sa ganap na 11:30 ng gabi, at Biyernes sa oras naman na 11:00 p.m.
May livestreaming din ang What We Could Be sa GMA Network website, at sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.
Magiging available ang episodic highlights ng bagong teleserye sa GMANetwork.com o GMA Network app, at sa official social media pages ng network.
NARITO ANG PASILIP SA BAGONG KAKIKILIGANG SERYE SA GABI: