GMA Logo Soliman Cruz
What's on TV

Soliman Cruz, kusang tumulo ang luha sa isang eksena sa 'What We Could Be'

By Jansen Ramos
Published October 6, 2022 2:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Decked in Santa hats and ribbons, Argentine golden retrievers chase world record
6 hurt in 'festi-brawl' in Roxas City, Capiz
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Soliman Cruz


Totoong sinunog ang panaderya sa 'What We Could Be' kaya dama ni Soliman Cruz ang lungkot nang makitang nag-aapoy ang property.

Binalikan ng award-winning actor na si Soliman Cruz ang hindi niya malilimutang eksenang kinunan nila sa GMA-Quantum Films series na What We Could Be.

Ito ay ang eksena kung saan sinunog ang Panaderya De Onor na mapapanood ngayong Huwebes, October 6, sa soap opera.

Ayon kay Sol, "May isang eksena na 'di kami tumawa dito kasi sabi nga ng director, 'o eto lang 'yung eksenang 'di kayo tatawa. Bakit kasi? Nasunog 'yung panaderya."

Ang panaderyang tinutukoy ng aktor ay ang panaderyang negosyo ng mga karakter nina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega na Franco at Cynthia. Si Cynthia ay anak ng karakter ni Sol na nagngangalang Tirso na nagtatrabaho rin sa panaderya.

Sa kwento, ipasusunog ang panaderya dahil sa alitan ni Franco at ng evil businessman na si Bruno, na ginagampanan ni Art Acuña. Base sa teaser ng What We Could Be, naniniwala si Bruno na may utang pa si Franco sa kanya na hindi pa nababayaran.

Dugtong ni Sol, totoong sinunog ang panaderya para sa eksena kaya dama nila ang lungkot nang makita itong nag-aapoy.

"Talagang sinunog saka talagang merong umaapoy 'tapos 'yung tarp na bubong, talagang nasusunog.

"Talagang 'yung damdamahin mo naroon para manghinayang ka.

"Talagang luluha ka sa eksena kasi kahit sinasabing may pinaghuhugutan ka o wala kasi lahat kami, habang nasusunog 'yung panaderya, nakatingin kami."

Diin pa niya, "Talagang hindi mo na kailangang umarte. Talagang kusa ka nang iiyak. Talagang nalusaw na rin 'yung damdamin mo habang nalulusaw 'yung panaderya na pinaghirapan namin."

Samantala, masaya si Sol na isang tatay ang ginagampanan niyang role sa rom-com series.

Aniya, "Pinakagusto ko kasi 'yung ensemble ng pamilya. Hindi ko masasabing maharot kundi, iba 'yung wit, iba 'yung humor.

"Saka nagagampanan mo 'yung pagiging tatay. Ngayon kasi sa punto ng buhay ko, mas nagagampanan ko nang ganap 'yung pagiging tatay kasi tatay ako. May apat na 'kong anak kaya ayon 'yung pinakamasarap."

Bahagi pa ng indie at mainstream actor, "Hindi ako 'yung pulis, hindi ako 'yung lawyer, hindi ako 'yung magsasaka. Ito talagang tatay ang aking ginagampanan kaya masaya saka maganda ang exposure ko kaya nagpapasalamat ako kasi nakikita ako mula umpisa hanggang dulo."

Mapapanood ang What We Could Be mula Lunes hanggang Huwebes, 9:35 p.m., pagkatapos ng Start-Up PH sa GMA.

May replay naman ito sa GTV-Channel 27 mula Lunes hanggang Huwebes sa oras na 12:15 a.m.

May livestreaming din ang What We Could Be sa GMA Network website, at sa official Facebook page at YouTube channel ng GMA Network.

Magiging available ang episodic highlights ng teleserye sa GMANetwork.com o GMA Network app at sa official social media pages ng network.

Para sa iba pang updates tungkol sa What We Could Be, bisitahin ang kanilang official Facebook page (WhatWeCouldBeGMA) at Instagram account (whatwecouldbegma).

NARITO ANG PASILIP SA SET NG KINAKIKILIGANG SERYE SA GABI: