
Matapos lumabas bilang guest star sa award-winning GMA series na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood naman si Jackie Lou Blanco sa 2024 murder mystery drama na Widows' War.
Sa isang panayam, ipinakilala na ni Jackie ang kanyang karakter sa upcoming series.
Pahayag niya, “I am Ruth Balay, I am the mom of George who's played by Carla Abellana.”
Ayon sa aktres, kakaiba ang kanyang role ngayon at masaya niyang sinabi na na-e-enjoy niya ang pagganap dito.
“Sobrang na-e-enjoy ko 'yung character, very out of the box siya,” sabi ni Jackie.
Siya ay isang loving mom sa tunay na buhay at makikilala rin siya sa serye bilang isang nanay.
Sa pictorial ng Widows' War, sinagot ni Jackie ang tanong ng GMANetwork.com kung mayroon silang pagkakatulad at pagkakaiba ni Ruth, ang kanyang karakter.
Ayon kay Jackie, “As a mother, siguro the similarity that I see between myself and Ruth is that, nandoon sila para sa mga anak nila and will protect them will all the love.”
Dagdag pa ng seasoned actress, “Siguro ang pagkakaiba lang siguro is the physicality because as a mom, I'm a very simple mom, and very down to earth kahit sa pananamit.”
“Si Ruth is may pagka-kengkoy din, may pagka-gaspang. In real life, I am also like that, I am very funny,” pahabol pa niya.
Samantala, bukod kay Jackie at Carla, kabilang din sa star-studded cast ng serye sina Bea Alonzo, Tonton Gutierrez, at marami pang iba.
Related Gallery: Meet the cast of murder mystery drama series 'Widows' War'