
Maituturing na big comeback ang pagiging kabilang ni Rita Daniela sa star-studded cast ng 2024 murder mystery drama series na Widows' War.
Matatandaan na halos dalawang taon nagpahinga si Rita Daniela sa pag-arte nang isilang niya si Uno at upang makapag focus muna siya sa kanyang baby boy.
Ngayong 2024, mapapanood na muli si Rita Daniela bilang isang aktres. Isa siya sa cast members ng Widows' War, ang seryeng pagbibidahan ng bigating Kapuso actresses na sina Bea Alonzo at Carla Abellana.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Rita Daniela, masaya niyang inilahad ang tungkol sa working relationship nila ng co-star niya na si Bea na first time niyang nakatrabaho. Bukod dito, ibinunyag din ni Rita ang kanyang naramdaman matapos malaman na makakatrabaho niya si Bea.
Pahayag niya, “It's my first time working with B [Bea Alonzo]... super excited ako and kinikilig. Nung nalaman ko pa lang 'yun na makakatrabaho ko siya at lagi ko siyang makaka-eksena, kinilig ako.
“Siyempre, matagal ko na siyang napapanood sa TV. Kahit papaano, nasubaybayan ko ang career niya, especially her movie career,” dagdag ng actress-singer.
Pahabol pa niya, “Ang sarap sa feeling na makasama siya [Bea Alonzo] sa eksena.”
Makikilala si Rita Daniela sa upcoming series bilang si Rebecca, isa sa miyembro ng Palacios family.
Ano kaya ang magiging koneksyon niya sa karakter ni Bea na si Sam Castillo?
Abangan ang kakaibang karakter at acting skills ni Rita Daniela sa bigating primetime serye.
Simula July 1, 8:50 p.m., mapapanood na ang Widows' War sa GMA Prime.
Related Content: Mysterious highlights of the 'Widows' War' media conference