GMA Logo Widows War, Bea Alonzo, Carla Abellana, Direk Zig Dulay
Courtesy: GMA Network
What's on TV

Bea Alonzo, Carla Abellana, and Direk Zig Dulay, tease twists in 'Widows' War'

By EJ Chua
Published July 3, 2024 1:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Still no buyer of Discaya’s Rolls-Royce with free umbrella at Customs 2nd auction
A for A On Playlist
Nearly P20M alleged smuggled cigarettes, shabu seized in Sultan Kudarat

Article Inside Page


Showbiz News

Widows War, Bea Alonzo, Carla Abellana, Direk Zig Dulay


Mabibigat na eksena at rebelasyon ang hindi n'yo dapat palampasin sa murder mystery drama na 'Widows' War.'

Isa sa trending topics ngayon sa social media tungkol sa pilot episode ng Widows' War ay ang intense na sampalan scene nina Bea Alonzo at Carla Abellana.

Nitong Lunes, July 1, nakilala na sina Bea at Carla sa bagong murder mystery drama series bilang sina Sam Castillo at George Balay.

Sa pilot episode nito, natunghayan kung paano unti-unting naging komplikado ang pagkakaibigan nina Sam at George.

Sa isang panayam, binanggit ni Carla ang ilang detalye tungkol sa karakter nila ni Bea.

Sabi ni Carla, “The war has definitely started. Nakita n'yo nagkaroon ng tension between Sam and George. We'll see kung 'yan na ba talaga 'yon, friendship over na ba talaga.”

May pahapyaw naman si Bea sa mga dapat pang abangan sa istorya ng serye.

Pahayag niya, “Kung akala n'yo si Paco lang ang mamamatay, well you're guessing wrong dahil marami pang iba.”

Ayon naman sa direktor ng palabas na si Direk Zig Dulay, maraming rebelasyon at sikreto ang hindi dapat palampasin ng mga manonood.

Sabi ni Direk Zig, “Mas marami pang mga mangyayari at mas makikilala pa nila ang characters.”

“Marami pang revelations, marami pang mga sikreto na aabangan,” pahabol pa niya.

Patuloy na subaybayan sina Bea at Carla bilang sina Sam at George sa Widows' War.

Mapapanood ang pasabog na murder mystery drama series tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime.