What's on TV

Jean Garcia, walang kupas ang pagiging kontrabida, ayon sa 'Widows' War' sa viewers

By EJ Chua
Published July 4, 2024 12:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi | December 19, 2025
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

jean garcia on widows war


Ramdam n'yo na rin ba ang bagsik ng pagiging kontrabida ni Jean Garcia sa murder mystery drama na 'Widows' War'?

Isa na namang kontrabida role ang ginagampanan ng seasoned actress na si Jean Garcia.

Kasalukuyan siyang napapanood bilang si Aurora Palacios sa bagong murder mystery drama series na Widows' War.

Sa July 3 episode, mas nakilala na ng mga manonood si Aurora. Siya ang strict pero loving mom ni Paco Palacios, ang karakter ni Rafael Rosell sa serye.

Sa naturang episode, natunghayan ang isang seryoso at mainit na eksena kung saan nakaharap ni Aurora si Sam Castillo, ang karakter na ginagampanan ni Bea Alonzo.

Ramdam kaagad na hindi sang-ayon si Aurora kay Sam para sa kanyang anak na si Paco.

Ang mga eksena ni Jean sa serye ang ilan sa pinag-usapan ng viewers at netizens sa social media

Reaksyon ng ilang viewers, walang kupas ang kanyang acting skills.

Narito pa ang ilang komento tungkol sa karakter at acting performance ni Jean:

Abangan ang susunod na mga eksena ni Jean sa serye.

Samantala, ang Widows' War ay pinagbibidahan ng bigating Kapuso actresses na sina Bea Alonzo at Carla Abellana.

Balikan ang ilang memorable scenes sa pilot episode ng bagong murder mystery drama series sa gallery sa ibaba:

Mapapanood ang Widows' War tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime.