GMA Logo Widows War, Benjamin Alves, Carla Abellana
What's on TV

Benjamin Alves sa karakter niya sa 'Widows' War': 'Enjoying my time with him'

By EJ Chua
Published July 20, 2024 5:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Widows War, Benjamin Alves, Carla Abellana


Isa ka rin ba sa mga nakasubaybay kay Basil Palacios sa murder mystery drama na 'Widows' War'?

Isa si Basil Palacios sa mga karakter sa Widows' War na patuloy na pinag-uusapan ng viewers at netizens.

Si Basil ay binibigyang-buhay ng Kapuso actor na si Benjamin Alves.

Sa previous episodes ng 2024 murder mystery drama, napanood ang ilang eksena ni Basil at ng kanyang asawa na si George, ang role ni Carla Abellana sa serye.

Unang ipinalabas ang kanilang sweet moments bilang mag-asawa.

Kasunod nito, unti-unti nang natunghayan ng mga manonood na tila hindi talaga masaya ang kanilang pagsasama.

Bukod pa rito, mayroong malaking sikreto si Basil sa kanyang asawa na si George.

Isang gabi, narinig ng huli na mayroong kausap sa mobile phone si Basil at tinawag niya pang “Babe” ang kanyang kausap.

Kasunod nito, bumuhos na ang haka-haka at nakatutuwang reaksyon ng mga manonood tungkol kay Basil.

Sa latest post ni Benjamin sa Facebook, inilahad niyang nagbabasa siya ng mga komento tungkol sa kanyang karakter.

Sulat niya sa caption, “Been reading the tweets on X about Basil. Thank you so much for the kind words.”

“Truly enjoying my time with him,” dagdag pa ng aktor.

Sa comments section, mababasa naman ang sagot ng netizens sa tanong ni Benjamin na, “What does accla mean?”

Samantala, abangan pa ang susunod na mga tagpo sa pinag-uusapan ngayong murder mystery drama series.

Mapapanood ang Widows' War tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime.

Related Gallery: 'Widows' War,' may pasilip sa set