
Masaya si Bea Alonzo sa mga natatanggap na papuri ng hit murder mystery series na Widows' War mula sa mga manonood.
Sa interview kay Aubrey Carampel ng 24 Oras, ipinarating ni Bea ang nararamdaman sa mainit na suporta ng viewers sa Widows' War.
"Very overwhelming," sabi ni Bea. "Kasi I knew na before it even air na people would love it, but I didn't know na ganito sila magiging ka-sobrang involved in the story."
Ayon pa kay Bea, "kinikilig" siya sa tuwing mayroong theories ang mga manonood tungkol sa pinagbibidahang serye.
Samantala, ikinuwento rin ni Bea na palagi nilang kinukumusta sa kanilang group chat ang Widows' War co-star na si Carla Abellana, na kasalukuyang nasa ospital.
"Carla is very involved pagdating sa creative process, so naka-monitor 'yan palagi," sabi ni Bea.
Dagdag ng aktres, "She's better. I think she will go back to taping next week."
Subaybayan ang Widows' War, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime.
KILALANIN ANG CAST NG WIDOWS' WAR SA GALLERY NA ITO: