
Isa si Charlie Fleming sa Sparkle stars na patuloy na napapanood sa murder mystery drama series na Widows' War.
Kilala siya sa serye bilang si Sofia, ang anak nina Galvan at Vivian na karakter naman nina Tonton Gutierrez at Lovely Rivero.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Charlie, masaya siyang nagkuwento tungkol sa Widows' War.
Ayon sa young actress, paborito niya sa kanyang karakter na si Sofia ay ang pagpapalit-palit nito ng chic outfits at looks.
Pahayag niya, “Favorite thing about my character is definitely the outfits. Every time I walk on the set, nakikita po nila na iba-iba 'yung outfit ko, different looks and different styles,” aniya.
Bukod kay Charlie, kabilang din sa cast ang fellow young Sparkle stars niya na sina James Graham at Matthew Uy.
Huwag bibitiw sa paganda nang pagandang istorya ng Widows' War na pinagbibidahan ng A-list Kapuso actresses na sina Bea Alonzo at Carla Abellana.
Mapapanood ang hit series tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime.