
Labis na ikinatuwa ng viewers at netizens ang pagpasok ni Carmina Villarroel sa murder mystery drama na Widows' War.
Napapanood si Carmina sa serye bilang si Barbara o Barry, ang karakter niya noon sa Widows' Web.
Sa social media, mababasa na mayroong iba't ibang teorya ang viewers tungkol kay Barry.
ICYMI: Memorable scenes from 'Widows' War' pilot episode
Marami ang nagsabing baka siya ang mastermind sa mga nangyaring patayan sa Palacios' Estate at sa mga sumunod pang krimen.
Paniniwala naman ng isang viewer, “Palagay ko kamag-anak ni Atty. Iñigo si Barry. Baka ito rin ang isa sa maghihiganti sa mga Palacios.”
Ang tinutukoy na si Atty. Iñigo ay ang karakter ni Mike Tan na kamakailan lang ay pinatay na rin sa serye.
Ang iba naman ay naghihinala na posibleng mayroong koneksyon si Barry sa killer ng mga Palacios.
Sa previous episodes ng serye, natunghayan ang pagbisita ni Barry sa lamay ng kapatid ni Sam (Bea Alonzo) na si Francis (Jeric Gonzales).
Kasunod nito, napanood na rin ang ilang eksena ni Barry at Madam Aurora, ang role ni Jean Garcia sa serye.
Sino nga kaya si Barry at ano ang tunay na pakay niya sa pamilya Palacios?
Abangan ang kasagutan sa pinag-uusapang murder mystery drama na Widows' War.
Mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime.