GMA Logo Matthew Uy, Bea Alonzo, Carla Abellana, Widows War
What's on TV

Matthew Uy on why he enjoys working with Bea Alonzo and Carla Abellana in 'Widows' War'

By EJ Chua
Published November 20, 2024 8:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sibol Men sweep group stage to punch 2025 SEA Games MLBB semis ticket
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Matthew Uy, Bea Alonzo, Carla Abellana, Widows War


Ano kaya ang masasabi ni Matthew Uy tungkol sa kanyang 'Widows' War' co-stars na sina Bea Alonzo at Carla Abellana?

Isa ang Sparkle actor na si Matthew Uy sa mga sinusubaybayan ng viewers sa murder mystery drama na Widows' War.

Kamakailan lang, nakapanayam ng GMANetwork.com si Matthew Uy, kung saan nagkuwento siya ng ilang bagay tungkol sa kanyang co-stars sa serye.

Seryoso niyang inilarawan ang lead stars ng kanilang programa na sina Bea Alonzo at Carla Abellana.

Ayon kay Matthew Uy, genuine at maayos katrabaho ang dalawang bigating aktres.

RELATED CONTENT: Widows' War: Mga eksena sa burol ni Basil Palacios

Pahayag niya, “With Ms. Carla [Abellana] po, she's so genuine po. Genuine po siya makisama sa amin and ganon din po si Ms. Bea.

Si Ms. Bea po kasi hindi mo makikita na 'yung ano big star siya sa kung paano siya makisama. Hindi niya ipaparamdam sa'yo na big star siya.”

Dagdag pa ng young actor, lalo umano siyang sinisipag magtrabaho dahil pakiramdam niya ay pamilya ang mga nakakasama niya sa set.

Sabi niya, “Nakakatuwa kasi ganon 'yung mga nakakatrabaho namin kaya sisipagin ka talagang magtrabaho… Mapi-feel mo kasing at home ka kasi 'yung mga kasama is parang family na rin.”

Si Matthew Uy ay napapanood sa serye bilang si Ward, ang kapatid ni George, na karakter naman ni Carla Abellana.

Bukod kay Matthew, kabilang din sa cast nito ang young Sparkle stars na sina Charlie Fleming at James Graham.

Samantala, huwag bibitiw sa paganda nang pagandang istorya ng Widows' War na pinagbibidahan ng A-list Kapuso actresses na sina Bea Alonzo at Carla Abellana.

Mapapanood ang hit series tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime.