
Ilang linggo na lang at mapapanood na ang finale episode ng Widows' War, ang murder mystery drama na patuloy na pinag-uusapan ng Pinoy viewers.
Isa sa mga napapanood bilang bida sa serye ay ang A-list Kapuso actress na si Carla Abellana.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Carla, nagbigay siya ng pahayag tungkol sa kanyang karakter na si George Balay-Palacios.
RELATED CONTENT: Widows' War: Who's the toughest widow among these women?
Ayon sa aktres, proud siya sa kanyang role sa hit murder mystery drama.
Paglalarawan ni Carla sa kanyang karakter, “Iyong description ko at ng viewers na rin kay George ay palaban talaga, matapang…”
“Honored to play the role of George. Proud ako sa'yo [George] kasi pinatunayan mong you still have a good heart…at mahal mo 'yung pamilya mo kaya proud ako sa'yo.”
Si George ang asawa ni Basil Palacios, ang karakter ni Benjamin Alves sa serye.
Matatandaang sa mismong birthday celebration ng asawa ni George na si Basil ay mayroong lumason sa kanya at kalaunan ay binawian na ng buhay ang huli.
Samantala, bukod kay Carla Abellana, kilala rin bilang bida sa serye ang Kapuso actress na si Bea Alonzo.
Huwag bibitiw sa patindi nang patinding mga eksena sa Widows' War. Ipinapalabas ang serye tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream.