
Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman ng Widows' War cast members sa nalalapit na pagtatapos ng hit murder mystery drama.
Ang seasoned actress na si Jackie Lou Blanco, marami umanong mami-miss sa set ng serye.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Jackie Lou, sinabi ng aktres na isa sa mamimiss niya ay ang bonding moments nila ng kanyang co-star na si Jean Garcia.
Pahayag niya, “Mostly [mamimiss ko] talaga 'yung samahan namin, 'yung kuwentuhan. Ako more than anything, 'yung chika chika namin ni Jean [Garcia].”
Base sa panayam, tila napalapit na talaga ang loob ni Jackie Lou sa kanyang co-actors.
“It's really all of us congregating and making tsismis, tutulog, gigising ulit,” pagpapatuloy niya. It's really more the relationship that have been formed.”
Kabilang din sa mamimiss niya ay ang kanilang intense at magagandang mga eksena para sa Widows' War.
“Of course, I will also miss all the beautiful scenes na ginagawa namin. But more than anything it is really the connections and friendships that have been made,” pahabol niya.
Si Jackie Lou ay napapanood sa serye bilang si Ruth Balay, ang ina ni George Balay-Palacios na karakter naman ni Carla Abellana.
Bukod kay Carla, bida rin sa Widows' War ang A-list Kapuso actress na si Bea Alonzo.
Huwag palampasin ang mga rebelasyon sa huling tatlong gabi ng naturang murder mystery drama.
Mapapanood ang serye ngayong Miyerkules hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream.