GMA Logo Jean Garcia
Courtesy: GMA Network
What's on TV

Jean Garcia, tinawag na 'best people' ang kaniyang 'Widows' War' co-stars

By EJ Chua
Published January 21, 2025 11:22 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Jean Garcia


Naging malalim na talaga ang samahan ng former 'Widows' War' actors!

Kabilang ang former Widows' War stars sa Kapuso celebrities na nakisaya at nakiisa sa pagbibigay sigla sa Sinulog Festival 2025.

Magkakasamang bumiyahe patungong Cebu sina Bea Alonzo, Jean Garcia, Royce Cabrera, at Timmy Cruz.

Sa Instagram post ni Jean, makikita ang group photos nila ng kanyang co-actors habang pare-parehas silang naka-pose at nakasandal sa pader.

Kakabit naman nito ay ang heartfelt caption ni Jean tungkol sa mga nakasama niya sa big event.

Mababasa na inilarawan at tinawag pa niyang 'best people' ang kanyang Widows' War co-stars.

Sulat ng batikang aktres, “Traveling with the best people by my side.”

“It doesn't matter where you're going--it's who you go with that makes it fun,” dagdag pa ni Jean.

A post shared by Jean Garcia (@chic2garcia)

Samantala, sa comments section, mababasa ang pagsang-ayon sa post ng nakatrabaho rin ni Jean sa Widows' War na si Carla Abellana.

Ipinalabas ang pasabog na final episode ng hit murder mystery drama series nitong January 17.

Related gallery: 'Widows' War', ginulat ang viewers sa pasabog na finale