Rafael Rosell on working with Bea Alonzo in 'Widows' War': 'Na-intimidate at first'

Aminado ang hunk actor na si Rafael Rosell na na-intimidate siya noong unang makatrabaho si Bea Alonzo sa upcoming murder mystery drama series na Widows' War.
Sa Widows' War, makikilala si Rafael Rosell bilang Paco Palacios, ang lalaking pakakasalan ni Sam, na pagbibidahan ni Bea Alonzo.
Ayon kay Rafael, na-challenge siya sa intense na mga eksena nila ni Bea sa serye.
"She's very professional and ang lalim ng acting niya. I really had like to dig deep talaga para lang ma-match 'yung intensity nung mata ni Bea," kuwento ni Rafael sa King of Talk na si Boy Abunda sa programang Fast Talk with Boy Abunda noong Huwebes (June 27).
Dagdag niya, "It's quite a challenge. Siguro magsisinungaling ako kapag sinabi ko na hindi ako na-intimidate at first pero eventually we adjust to each other's energy. And, I think what we created sa Widows' War some kind of a good chemistry.”
Bukod sa makatrabaho si Bea, ikinuwento rin ni Rafael kung sino nga ba si Paco Palacios sa Widows' War at ang aabangan ng manonood sa murder mystery series, na mapapanood na ngayong July 1 sa GMA Prime.








