Bea Alonzo throws Thanksgiving party for Team 'Widows' War'

Paganda nang paganda ang istorya ng GMA murder mystery drama na 'Widows' War.'
Ang cast at ang production team nito ay patuloy na nakatatangggap ng positive reactions at comments mula sa napakaraming viewers.
Dahil punong-puno ng saya ang mga puso ng buong team, naganap ang isang Thanksgiving party, kung saan sama-samang ipinagdiwang ng lahat ang tagumpay na tinatamasa nila ngayon.
Ang naturang party ay sweet treat ng isa sa lead stars ng serye na si Bea Alonzo para sa kanyang mga katrabaho sa palabas na itinuturing niya na ring pamilya.
Silipin ang recent bonding moments ng 'Widows' War' cast and crew sa gallery na ito.












