
Nag-uumapaw ang pasasalamat ni Kapuso actor EA Guzman para sa kanyang bagong proyekto at role sa upcoming GMA Telebabad series na Widows' Web.
Sa programang ito, bibigyang buhay ni EA ang karakter ni Frank Querubin, ang mapagmahal na nobyo ni Elaine Innocencio na gagampanan ni Sparkle artist Pauline Mendoza.
Makikita sa latest Instagram post ng aktor ang kanyang larawan mula sa show at ang teaser video ng Widows' Web.
Sinulat niya sa caption, “I would like to take this opportunity to say THANK YOU to @gmanetwork, @arnold_vegafria, @ggslara, @darylzamora, @sparklegmaartistcenter, @alvtalents for this project.. Especially to Ms. [Helen Sese] @hrss14 for trusting and giving me the green light to portray the role of FRANK QUERUBIN.”
Ayon sa aktor, ito ang kanyang pinaka-challenging na role para sa isang teleserye.
Dagdag niya, “Definitely the most challenging role na nagawa ko sa isang teleserye. Grabe 'yung emosyon ng character. Again from the bottom of my heart, THANK YOU.”
Ang Widows' Web ay ang kauna-unahang proyekto ng batikang direktor na si Jerry Lopez Sineneng sa Kapuso Network.
Pinagbibidahan ito ng apat na mahuhusay na mga aktres ng GMA-7 na sina Ashley Ortega (Jackie Antonio-Sagrado), Pauline Mendoza (Elaine Innocencio), Vaness del Moral (Hillary Suarez) at Carmina Villarroel (Barbara Sagrado-Dee).
Huwag palampasin ang world premiere ng Widows' Web sa February 28 sa GMA Telebabad.
Samantala, tingnan ang hottest photos ni EA Guzman sa gallery na ito: