GMA Logo Vaness del Moral
PHOTO COURTESY: vaness_delmoral (IG)
What's on TV

Vaness del Moral, nakaramdam ng kaba para sa kanyang comeback project sa 'Widows Web'

By Dianne Mariano
Published November 30, 2025 8:01 AM PHT
Updated February 25, 2022 3:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

Vaness del Moral


Gaganap si Kapuso star Vaness del Moral bilang Hillary Suarez sa upcoming GMA Telebabad series na 'Widows' Web.'

Bibida ang Kapuso actress at newbie mom na si Vaness del Moral sa nalalapit na suspenserye na Widows' Web, kung saan bibigyang buhay niya ang role bilang Hillary Suarez.

vaness

Ayon sa aktres, nakaramdam siya ng kaba nang malaman niya na muli siyang babalik sa pag-arte bilang isa sa lead stars.

“Actually, kinabahan ako. Sabi ko, 'Hala, ready na ba talaga akong magtrabaho ulit?' Tapos sinabi ko kina Ms. Tracy at saka kay Julie, 'yung handler ko and manager ko, na 'Wait lang, parang hindi ko pa yata kaya,'" pagbabahagi ni Vaness sa ginanap sa online media conference.

Dagdag pa niya, “Tapos sabi sa akin ni Ms. Tracy, 'Ano ka ba. Kaya mo 'yan. Hindi naman ibibigay sa'yo 'to kung hindi naniniwala sa'yo ang network at saka 'yung mga taong nag-create nitong show na 'to' sabi niyang gano'n.

“Noong tinanggap ko siya at nag-start mag-taping, [script] reading, sobrang kabadong kabado ako pero thanks to Direk Jerry, Direk Phillip, and to all the other cast, parang hindi ako matagal nawala.”

Bukod dito, ibinahagi rin ng aktres ang katangian na nagustuhan nito sa kanyang karakter.

Aniya, “She is a very loving person, especially to her family. Lahat gagawin n'ya para sa asawa n'ya at saka sa stepdaughter n'ya.”

Makakasama ni Vaness sa leading stars ng Widows' Web sina Ashley Ortega (Jackie Antonio-Sagrado), Pauline Mendoza (Elaine Innocencio), at Carmina Villarroel (Barbara Sagrado-Dee).

Abangan ang world premiere ng Widows' Web simula Lunes (February 28), 8:50 p.m., sa GMA Telebabad pagkatapos ng First Lady.

Samantala, alamin pa ang ibang Kapuso programs na dapat abangan ngayong 2022 sa gallery na ito: