GMA Logo Widows Web
What's on TV

Widows' Web: Ang mundo ng mga sikreto at panlilinlang | Week 1

By Dianne Mariano
Published March 7, 2022 10:41 AM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Widows Web


Sa unang linggo ng 'Widows' Web,' ipinakita ang mundo ng mga Sagrado at buhay nina Elaine (Pauline Mendoza) at Frank (EA Guzman) at nababalot ang mga ito sa lihim at panlilinlang.

Sa unang linggo ng Widows' Web, ipinakita ang pamumuhay ng pamilya Sagrado, ang misteryosong pagkamatay ni Alexander Sagrado III (Ryan Eigenmann), at kung paano nabuo ang relasyon nina Elaine Innocencio (Pauline Mendoza) at Frank Querubin (EA Guzman).

Bago ang pagkasawi ni Alexander, nasangkot pa ito sa isang pambubugbog at iniligtas siya nina Elaine at Frank. Sa kabila ng kabutihan na ipinakita, nakatanggap lamang ng pangmamaliit si Frank mula sa kapatid ni Alexander na si Barbara Sagrado-Dee (Carmina Villarroel).

Nawalan naman ng trabaho si Jackie (Ashley Ortega) matapos i-appoint ni Alexander si Barbara bilang Executive Director ng kanilang kumpanya. Matapos ma-scam ni Frank, nawala ang pinaghirapang pera ni Elaine na ninakaw ng una.

Tumawag naman si Frank kay Jackie upang malaman kung mayroon bang trabaho na puwede niyang pasukin at tinanggap siya ni Alexander. Nakatanggap ng sarkastikong pangungutya si Barbara mula kay Hillary Suarez (Vaness del Moral) dahil naging ex-boyfriend nito ang asawa ng huli na si William Suarez (Bernard Palanca).

Kusa naman na ibinigay ni Frank ang kaniyang isang kidney para maisalba ang buhay ng ama ni Elaine na si Ramon (Allan Paule). Labis na saya rin ang naramdaman ni Frank nang malaman na buntis ang kaniyang nobya.

Samantala, nais pa rin ni Alexander na magkaroon sila ng anak ni Jackie kahit nakaranas ng trauma ang huli dahil sa miscarriage at inabuso niya ito.

Dahil pumayag na si Ramon sa kanilang relasyon, nag-propose si Frank kay Elaine. Nalagay naman sa peligro ang buhay ni Frank matapos nitong mapagkamalan na si Alexander at muntikan nang mabaril ng isang misteryosong lalaki.

Patuloy na subaybayan ang Widows' Web tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad pagkatapos ng First Lady.

Balikan ang kapana-panabik na mga eksena sa Widows' Web dito.

Widows' Web: The women of the Sagrado family | Episode 1

Widows' Web: Frank and Elaine got scammed! | Episode 2

Widows' Web: Barbara and Hillary: The past and the present | Episode 3

Widows' Web: Inabuso at naburang kolorete ni Jackie | Episode 4

Widows' Web: Isang bala sa ulo ni Xander Sagrado | Episode 5