
Nagsimula ang world premiere ng kauna-unahang Kapuso suspenserye na Widows' Web sa GMA Telebabad noong February 28 at agad itong umani ng mataas na ratings.
Sa pilot episode ng Widows' Web, nakakuha ito ng 10.4 percent combined ratings, ayon sa NUTAM People Ratings.
Matatandaan na ipinakita sa unang episode ng Widows' Web ang pamumuhay ng pamilya Sagrado, ang misteryosong pagkasawi ni Alexander Sagrado III (Ryan Eigenmann), at kung paano nabuo ang relasyon nina Elaine Innocencio (Pauline Mendoza) at Frank Querubin (EA Guzman).
Samantala, noong March 3, parehong nasa 10.4 percent ang combined ratings ng programa at ipinakita dito ang ilang kapana-panabik na mga eksena.
Photo courtesy: GMA Drama (Facebook)
Nasaksihan sa ikaapat na episode ang kusang pagbibigay ni Frank ng kaniyang kidney para maisalba ang buhay ng ama ni Elaine na si Ramon (Allan Paule).
Ipinakita rin ang pang-aabusong naranasan ni Jackie mula kay Xander dahil nais nitong magkaanak sila kahit hindi pa handa ang una dahil sa miscarriage na kaniyang pinagdaanan.
Simula pa lamang ito dahil marami pa kayong dapat abangan na mga eksena sa first-ever suspenserye ng GMA Telebabad.
Patuloy na subaybayan ang Widows' Web tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., sa GMA Telebabad pagkatapos ng First Lady.
Samantala, tingnan ang iba pang Kapuso programs na dapat n'yong abangan ngayong 2022 sa gallery na ito.