TV

Outfit ni Vaness del Moral sa 'Widows' Web,' pinag-usapan online!

By Dianne Mariano

Agaw-atensyon sa social media ang kasuotan ng karakter ni Kapuso star Vaness del Moral bilang Hillary Suarez sa isang episode ng Widows' Web.

Noong March 10, ipinakita ang eksena kung saan dumalo sina Hillary at ang stepdaughter niya na si Nikki Suarez (Vanessa Peña) sa lamay ni Alexander Sagrado III (Ryan Eigenmann). Makikita rin sa naturang episode ang agaw-pansin na pearl necklace ni Nikki at ang black and silver long gown ni Hillary.

Maraming netizens ang nakapansin sa bonggang attire ni Hillary at ibinahagi ang kani-kanilang nakatutuwang comments sa official Facebook page ng GMA Drama.

Photo courtesy: GMA Drama (Facebook)

Bukod dito, marami rin ang pumuri sa angking talento ni Vaness del Moral sa pagganap ng kanyang karakter.

Photo courtesy: GMA Drama (Facebook)

Sa katunayan, makikita rin sa Instagram account ng aktres ang ilang stylish at makukulay na outifts ng kanyang role.

Para sa mas marami pang kapana-panabik na mga eksena, patuloy na subaybayan ang Widows' Web tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., sa GMA Telebabad pagkatapos ng First Lady.

Samantala, silipin ang magagandang larawan ni Vaness del Moral sa gallery na ito: