TV

Widows' Web: Ang pagpasok ni Elaine sa mundo ng mga Sagrado | Week 3

By Dianne Mariano

Sa ikatlong linggo ng Widows' Web, labis na nagulat si Jackie (Ashley Ortega) nang makita niya sa drawer ni Xander (Ryan Eigenmann) ang nawawalang sapatos ni Barbara (Carmina Villarroel) na konektado sa crime scene.

Binisita pa ni Jackie si Frank (EA Guzman) sa prisinto upang tanungin kung tama ang hinala niya kay Barbara. Samantala, sinimulan naman ni Barbara ang kanyang pagpapanggap na mabait sa harap ni Jackie.

Nang dahil sa isang aksidente, nagkrus ang landas nina Jackie at Elaine (Pauline Mendoza) at dinala ng una ang huli sa ospital kasama si Hillary (Vaness del Moral). Habang nasa ospital, inalok ni Jackie si Elaine bilang bagong secretary nito dahil sa kanyang qualifications.

Sa emosyonal na pag-uusap nina Elaine at ng ina ni Frank na si Gloria (Tanya Gomez), sinabi ng una na tatanggapin na niya ang alok ni Jackie. Matapos i-reject ni Barbara si Elaine sa trabaho, tinulungan ni Hillary ang huli para maging bagong kalihim ni Jackie.

Matagumpay na nakapasa si Elaine sa interview ni Barbara at naging bagong secretary na ito. Sa pagpasok ni Elaine sa mundo ng mga Sagrado, sinimulan na niya tahiin ang bawat kuwento ni Jackie para mangolekta ng impormasyon.

Nabalisa naman si Elaine matapos malaman na naniniwala lahat ng tao sa bahay ng mga Sagrado na pinatay ni Frank si Xander. Kasunod ng pagtatalo nina Jackie at Barbara, ipinatawag ang dalawa upang pag-usapan ang last will at testament ni AS3.

Patuloy na subaybayan ang Widows' Web tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., pagkatapos ng First Lady.

Balikan at panoorin ang mga maiinit na tagpo sa kauna-unahang suspenserye ng GMA noong nakaraang linggo dito.

Widows' Web: Huli ka, Barbara! | Episode 11

Widows' Web: Keep your enemies closer, Barbara! | Episode 12

Widows' Web: An offer from Jackie Sagrado | Episode 13

Widows' Web: The vengeful spy meets the Sagrado's witch | Episode 14

Widows' Web: Xander's last will and testament | Episode 15

Samantala, silipin ang lock-in taping ng Widows' Web sa gallery na ito.