GMA Logo Pauline Mendoza
PHOTO COURTESY: paulinemendoza_ (IG)
What's on TV

Pauline Mendoza shares the greatest lesson she learned in showbiz

By Dianne Mariano
Published March 22, 2022 5:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Pauline Mendoza


Isa sa mga natutunan ni 'Widows' Web' star Pauline Mendoza sa mundo ng showbiz ay ang pagiging mapagkumbaba.

Ibinahagi ni Widows' Web star Pauline Mendoza ang pinakaimportanteng aral na natutunan niya sa loob ng anim na taon nito sa showbiz.

Ayon sa Kapuso actress, isa na rito ay ang pagiging mapagkumbaba.

“Siguro ang tumatak sa akin for the past six years I've been with GMA is [that] it doesn't matter kahit gaano ka na katagal or kahit marami ka ng na-experience, kailangan magpakumbaba ka pa rin. 'Yun ang lagi nilang sinasabi sa akin,” pagbabahagi niya sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

Dagdag pa niya, “Just stay humble all the time. Be nice, be kind. Bati ka lalo na sa mga senior artist mo, senior co-actors mo. And, of course, hard work pa rin, keep striving, learn more para magkaroon ka ng mga bagong experiences. May mga matututunan kang bago kasi throughout the process naman, kailangan lagi ka may natututunan na bago. So ako, gusto ko 'yung gano'n na mayroon akong na-e-experience na bago.”

Lubos ang pasasalamat rin ni Pauline sa GMA Network, Sparkle GMA Artist Center, pati sa kanyang manager at handler dahil sa mga magagandang oportunidad at proyekto na ibinigay sa kanya.

Aniya, “Sa buong six years ko, ang ganda ng projects na binibigay nila sa akin. I swear, sobrang grateful ko talaga. Sobrang blessed ko kasi ang ganda ng mga proyekto na nasimulan ko noong baguhan pa ako.

“And hanggang ngayon baguhan pa rin naman ako. Sobrang ganda ng mga binibigay nila sa akin na opportunities, projects, story ang ganda. I'm really grateful for that.”

Naging bahagi na si Pauline ng iba't ibang Kapuso shows gaya ng Babawiin Ko Ang Lahat at Kambal, Karibal. Ngayon taon, sumabak sa isang mature role ang aktres dahil kabilang siya sa pangunahing karakter sa kauna-unahang suspenserye ng GMA, ang Widows' Web.

Samantala, patuloy na subaybayan si Pauline bilang Elaine Innocencio sa Widows' Web tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., sa GMA Telebabad.

Silipin ang prettiest looks ni Pauline Mendoza sa gallery na ito: