
Sa ikaapat na linggo ng Widows' Web, nagkaroon ng kaguluhan sa loob ng pamamahay ng mga Sagrado dahil sa matinding away nina Jackie (Ashley Ortega) at Barbara (Carmina Villarroel) matapos mapunta ang Sagrado estate sa una, base sa last will at testament ni Xander (Ryan Eigenmann).
Mas nakikilala naman ni Elaine (Pauline Mendoza) ang mga Sagrado habang nasa puder siya ng mga ito. Sinundan din niya si Barbara para malaman kung ano ang pinakatinatago nitong sikreto.
Ang lihim ni Barbara ay ang sikretong relasyon nito sa tennis coach ni Jed (Anjay Anson) na si George (Mike Agassi).
Muntik nang makita ni Hillary (Vaness del Moral) ang kinakasamang lalaki ni Barbara nang puntahan niya ang kuwarto ng huli. Habang kausap naman ni Elaine si Julius (Neil Coleta) sa cellphone, nagulat ang una nang makita si George sa lapag dahil nahulog ito mula sa terrace ng kuwarto ni Barbara.
Tinakot at binantaan ni George si Elaine upang hindi ito magsalita tungkol sa lihim na relasyon nila ni Barbara. Nalaman naman ni Ramon (Allan Paule) na kasalukuyang naninilbihan ang kanyang anak na si Elaine sa mga Sagrado.
Sikretong pumasok si Elaine sa kuwarto ni George upang maghanap ng ebidensya laban dito. Samantala, patuloy ang bangayan nina Jackie at Barbara dahil pareho silang naghahanap ng ebidensya laban sa isa't isa.
Nang dahil sa pagmamanman ni Vladimir (Adrian Alandy) sa mansion ng mga Sagrado, nadiskubre nito na naninilbihan si Elaine kay Jackie bilang assistant.
Patuloy na subaybayan ang Widows' Web tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
Balikan ang mga maiinit na eksena sa Widows' Web dito.
Widows' Web: Jackie, the new queen of the Sagrado estate | Episode 16
Widows' Web: Barbara's most hidden secret | Episode 17
Widows' Web: George and Barbara threaten Elaine | Episode 18
Widows' Web: Finding the evidence against George | Episode 19
Widows' Web: Vladimir discovers Elaine's secret | Episode 20
Samantala, silipin ang behind-the-scenes ng lock-in taping ng Widows' Web sa gallery na ito.