GMA Logo Adrian Alandy
What's on TV

Widows' Web: Ang tunay na pagkatao ni Vladimir | Week 6

By Dianne Mariano
Published April 11, 2022 5:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News

Adrian Alandy


Sa ikaanim na linggo ng 'Widows' Web,' inilahad ang tunay na pagkatao at istorya ni Vladimir (Adrian Alandy), ang half-brother nina Barbara (Carmina Villarroel) at Xander (Ryan Eigenmann).

Sa ikaanim na linggo ng Widows' Web, nahuli ni Elaine (Pauline Mendoza) na magkasama sina Vladimir (Adrian Alandy) at ang kanyang boss na si Jackie (Ashley Ortega).

Nagulat naman si Frank (EA Guzman) nang malaman niya na nagta-trabaho ang kanyang nobya sa mga Sagrado. Dahil dito, nakipaghiwalay si Frank kay Elaine at ginawa niya ito upang protektahan ang huli laban sa mga Sagrado.

Nalaman naman ni Jed (Anjay Anson) na half-brother ng kanyang ina na si Barbara (Carmina Villarroel) at tiyuhin na si Xander (Ryan Eigenmann) si Vladimir. Ikinuwento rin ni Barbara sa kanyang anak ang tunay na pagkatao at istorya ni Vladimir.

Nalaman naman ni Jackie na bago mamatay ang kanyang asawa ay nakauwi na ng bansa si Vladimir. Sa pag-uusap nina Vladimir at Jackie, inamin ng una na mayroon pa rin siyang pagtingin sa huli.

Nang dahil naman sa sunod-sunod na rebelasyon ng mga Sagrado, hindi napigilan ni Hillary (Vaness del Moral) na sumang-ayon sa mga nais maghiganti kay Xander.

Samantala, nauwi sa trahediya ang buhay ni George (Mike Agassi) matapos siyang masagasaan ng isang kotse habang kausap si Jackie sa cellphone.

Patuloy na subaybayan ang mga maiinit na tagpo sa Widows' Web tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Balikan ang mga eksena sa Widows' Web dito.

Widows' Web: Frank discovers Elaine's secret | Episode 26

Widows' Web: Vlad's past and secrets | Episode 27

Widows' Web: Vlad's real identity | Episode 28

Widows' Web: The mystery of Vladimir | Episode 29

Widows' Web: The tragic fate of George Aguirre | Episode 30

Samantala, silipin ang lock-in taping ng Widows' Web sa gallery na ito.