GMA Logo Ashley Ortega Vaness del Moral Pauline Mendoza
What's on TV

Pagmamakaawa ni Hillary kay Jackie sa 'Widows' Web,' umabot nang mahigit 1.3M views sa social media

By Aimee Anoc
Published April 19, 2022 4:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Ortega Vaness del Moral Pauline Mendoza


Umabot na sa mahigit 1.3 million views sa social media ang pagbisto ni Jackie (Ashley Ortega) sa pagbubuntis ni Hillary (Vaness del Moral).

Mainit na tinututukan ngayon ng netizens ang matitinding eksena sa Widows' Web lalo na ngayong nalaman na ni Jackie (Ashley Ortega) ang pagtataksil ng yumaong asawa na si Xander (Ryan Eigenmann) at ng kaibigan nitong si Hillary (Vaness del Moral).

Sa episode kahapon, April 18, mas tumindi ang galit na nararamdaman ni Jackie nang malamang nagbunga ang pagtataksil na ito ng yumaong asawa at ni Hillary.

Labis naman ang pagmamakaawa ni Hillary kay Jackie na itago kay William ang katotohanan. Pumayag si Jackie sa pakiusap na ito ni Hillary sa kondisyon na hindi niya ipalalaglag ang sanggol.

Agad na humakot ng mahigit 1.3 million views ang eksena na ito ng Widows' Web na naka-post sa official Facebook page ng GMA Drama.

Balikan ang buong episode ng Widows' Web sa video sa ibaba.

Patuloy na subaybayan ang kauna-unahang Kapuso suspenserye, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Samantala, silipin ang behind-the-scenes sa lock-in taping ng Widows' Web sa gallery na ito: