
Nasaksihan kagabi (April 29) ang killer finale ng kauna-unahang suspenserye ng GMA na Widows' Web.
Sa pagtatapos ng suspenserye, napagalaman na si Atty. Boris Tayuman (Christian Vasquez) ang tunay na kumitil sa buhay ni Alexander Sagrado III (Ryan Eigenmann). Sa huling eksena, matatandaan na buhay pa si AS3 matapos mabaril ni Vladimir (Adrian Alandy).
Sa halip na tulungan ni Atty. Boris si Xander, ibinaba nito ang ulo ng huli sa swimming pool hanggang sa mamatay.
Mapapanood din sa naturang episode ang pag-iisang dibdib nina Elaine (Pauline Mendoza) at Frank (EA Guzman), pati na rin nina Jackie (Ashley Ortega) at Vladimir (Adrian Alandy). Bukod dito, masaya na rin sina Hillary (Vaness del Moral) at ang kanyang stepdaughter na si Nikki (Vanessa Peña).
Samantala, ipinakita rin ang emosyonal na eksena ni Barbara (Carmina Villarroel) kung saan iniwan siya ng mga kasama nito sa Sagrado estate.
Naging trending topic naman sa Twitter Philippines ang last episode ng Widows' Web na mayroong hashtag na #WWTheRealKiller. Umani pa ito ng papuri mula sa netizens dahil sa ganda ng istorya at pag-arte ng bawat cast member.
Photo courtesy: Twitter and GMA Drama (FB)
Maraming salamat sa pagtutok sa unang suspenserye ng GMA, mga Kapuso!
Samantala, ating balikan ang lock-in taping ng Widows' Web sa gallery na ito.