GMA Logo Atty Boris Tayuman (Christian Vasquez)
PHOTO COURTESY: Widows’ Web (show page)
What's on TV

Widows' Web: Atty. Boris Tayuman is the real killer of AS3 | Week 9

By Dianne Mariano
Published May 3, 2022 6:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Shear line caused most rainfall from November to March — study
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Atty Boris Tayuman (Christian Vasquez)


Sa killer finale ng 'Widows' Web,' inilahad na si Atty. Boris Tayuman (Christian Vasquez) ang tunay na tumapos sa buhay ni Alexander Sagrado III (Ryan Eigenmann).

Sa huling linggo ng Widows' Web, binaril ni William (Bernard Palanca) ang kanyang sarili upang hindi siya makulong dahil sa pagpatay nito kay George (Mike Agassi) at pagbaril kay Jed (Anjay Anson).

Matapos ang pangmamaliit ni Barbara sa isang staff ng ospital, hindi napiligan ni Elaine (Pauline Mendoza) na harapin ang mga Sagrado upang ipamukha sa mga ito ang kanilang pangit na asal sa kapwa.

Binawian naman ng buhay si Jed sa ospital dahil sa pagbaril sa kanya ni William at nagluksa si Barbara (Carmina Villarroel). Samantala, pinayagan na si Frank (EA Guzman) na makalaya dahil sa mga ebidensya na nagpapatunay na siya'y inosente.

Sa pag-uusap nina Jackie (Ashley Ortega) at Vladimir (Adrian Alandy), inamin ng huli na hindi niya sinasadyang patayin si Xander (Ryan Eigenmann). Ikinuwento rin ni Vlad kay Jackie ang totoong nangyari sa pagitan nila ni AS3.

Nadiskubre naman ni Frank na si Vladimir ang pumatay kay AS3 at ang nag-frame up sa kanya. Upang maprotektahan si Jackie, sumuko na si Vladimir sa mga awtoridad.

Naiwang mag-isa naman si Barbara sa Sagrado estate matapos umalis ang mga tauhan nito at si Delia (Mosang) ang nagbigay ng huling payo sa kanya.

Matapos ang kanilang mga pinagdaanan, ikinasal na sina Elaine at Frank, pati na rin sina Jackie at Vladimir. Bukod dito, masaya na rin sina Hillary (Vaness del Moral) at ang kanyang stepdaughter na si Nikki (Vanessa Pena).

Inilahad din na si Atty. Boris Tayuman (Christian Vasquez) ang tunay na tumapos sa buhay ni AS3. Sa huling eksena, ipinakita na buhay pa si AS3 matapos mabaril ni Vladimir. Sa halip na tulungan ni Atty. Boris si Xander, ibinaba nito ang ulo ng huli sa swimming pool hanggang sa mamatay.

Ayon sa NUTAM People Ratings, nakakuha ng 12. 2 percent combined ratings ang killer finale ng Widows' Web, mas mataas sa katapat nitong palabas na mayroon lamang 6.7 percent.

Balikan ang mga makapigil-hiningang eksena sa Widows' Web dito.

Widows' Web: Elaine triumphs over the tyrannical Sagrados | Episode 39

Widows' Web: Barbara humbles herself for Jed's life | Episode 40

Widows' Web: Ang katotohanan sa pagkamatay ni AS3 | Episode 41

Widows' Web: Bistado na ang sikreto mo, Vlad! | Episode 42

Widows' Web: This is just the beginning, Barbara! | Episode 43