What's on TV

Rhydian Morris, ang lone wolf ng 'Wolfblood'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 7, 2017 4:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Eman Pacquiao, naghahanda sa pagsasanay para sa kaniyang laban sa Pebrero 2026
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News



Abangan ang British actor na si Bobby Lockwood bilang si Rhydian sa Wolfblood, simula February 14, 9:10 am sa GMA.

 

 

Isang ulila at nasa pangangalaga ng foster care system ang teenager na si Rhydian Morris.

Bukod dito, hindi niya maipaliwanag kung bakit nag-aanyong lobo siya tuwing nakakaramdam ng matinding takot o galit.

Ito na rin ang naging dahilan kung bakit naging mapag-isa at madalas umiiwas si Rhydian sa kanyang mga nakakasalamuha. 

Magbabago ang lahat ng ito matapos niyang lumipat sa bayan ng Stoneybridge. Makikilala niya dito si Maddy Smith na tila nakakaintindi sa kanyang pinagdadaanan.

Ipapaliwanag sa kanya ni Maddy na pareho silang mga Wolfblood—mga nilalang na parteng tao at parteng lobo. 

Mga "tame" na Wolfblood sina Maddy at ang kanyang pamilya. Ibig sabihin nito ay itinatago nila ang kanilang mga abilidad—matalas na senses, kakaibang bilis, at pambihirang lakas—mula sa mga tao. 

Makayanan kaya ni Rhydian na maging isang tame na Wolfblood?

Ang British actor na si Bobby Lockwood ang gaganap bilang Rhydian. Nakatanggap siya ng parangal na Children's Performer mula sa British Academy Children's Awards noong 2013 para sa kanyang pagganap dito. 

Abangan siya bilang si Rhydian sa Wolfblood, simula February 14, 9:10 am sa GMA.

MORE ON 'WOLFBLOOD':

Pakawalan ang inyong wild side sa 'Wolfblood'

Wolfblood: Simula na ng hunting season