GMA Logo YouLOL Biyenan kong Mamaw
What's on TV

YouLOL: Mamaw, ang monster-in-law ni Erlinda

By Aedrianne Acar
Published July 27, 2020 3:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

YouLOL Biyenan kong Mamaw


Masusubukan ang pasensya at pagkamatiisin ni Erlinda (Michael V.) sa piling ng biyenan niya na si Mamaw (Betong Sumaya). Panoorin ang memorable moments ng dalawa sa comedy channel na YouLOL.

Mayroon din ba kayong kakilala na monster-in-law mga Ka-YouLOL tulad ni Mamaw (Betong Sumaya)?

Nasubukan ang pagmamahal ng matiisin na maybahay ni Jun-Jun (Mikael Daez) na si Erlinda (Michael V.) sa piling ng biyenan niya.

Biyenan Kong Mama sketch

Screenshot taken from Bubble Gang episode

Pero kahit gaano kasama ang ugali at pag-aalipusta ni Mamaw kay Erlinda, hindi naman magawa nitong lumaban sa kanyang mother-in-law.

Kaya naman gano'n na lang din kabilis tumama ng karma kay Mamaw sa tuwing inaaway nito ang asawa ng kanyang anak.

Sariwain ang memorable scenes sa pagitan nina Erlinda at Mamaw na isa sa favorite comedy sketch sa award-winning gag show na Bubble Gang sa special video compilation na ito na mapapanood sa YouLOL page.