GMA Logo The Cray Crew boys
What's on TV

Anong dapat abangan sa 'The Cray Crew' boys?

By Aedrianne Acar
Published November 24, 2020 7:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

The Cray Crew boys


Anu-ano ang mga dapat abangan sa YouLOL online show na 'The Cray Crew?'

There are more reasons to watch YouLOL sa YouTube, dahil apat na nagwa-guwapuhan na Kapuso cuties ang magbibigay good vibes this coming November 26 via their new online show The Cray Crew.

Bida sa newest YouLOL show ang StarStruck graduates na sina Abdul Raman, Allen Ansay, Kim de Leon, at Radson Flores.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa apat via video conference na inorganisa ng Corporate Communications Department ng GMA-7 ngayong Martes ng hapon, November 24, ibinahagi ng mga Kapuso heartthrob ang saloobin nila sa bago nilang project.

YouLOL is bringing more content for its loyal subscribers

Ayon kay Radson Flores, exciting para sa kanya na makasama ang mga batchmate niya sa StarStruck.

Kuwento niya sa GMANetwork.com, “Naturally introverted ako so sobrang comfortable ako pag sobrang kilala 'yung kasama ko, so na-excite ako ng sobra basta noong nalaman ko si Abdul, si Kim and si Allen 'yung makakasama ko and mapapakita ko like since vlog style 'yung content namin, mapapakita ko kung ano 'yung natural ko.

“Kung ano akong klaseng tao, magagawa ko 'yun comfortably with these people, so ayun masaya!”

Exciting ang mga content na mapapanood sa The Cray Crew from games, challenges, pranks, MOS, gaming, and a 'day in the life' nilang apat, mapapanood ng netizens lahat ng ito sa kanilang mga vlog.

Pero binigyan diin ng Ultimate Male Survivor na si Kim de Leon na maingat pa rin sila sa mga ilalabas nilang content.

Paliwanag niya, “Siyempre dapat mag-ingat kami, pero whatever comes naturally mas doon kami. Ito 'yung napag-usapan namin kunwari magbe-bleep ng mga sinasabi sa amin, kunwari biglang napa-curse or ganoon talaga 'yung reaction niya. May paraan naman para maalis ito.

“Maingat pa rin kami [pero] at the same time nandoon pa rin 'yung freedom to be organic.”

Sinegundahan naman ni Allen Ansay ang nasabi ni Kim na dapat mindful sila sa mga content para iwas sa bashers.

Dagdag niya, “Bago ko sabihin isipin ko muna, parang ilalabas ko kung ano talaga ako, kung ano talaga si Allen Ansay.

“Yung hindi plastic, kung ano talaga, pero maingat po talaga ngayon ako sa mga salita ko lalo na ngayong pandemic po. Isang pagkakamali mo lang na salita, naku! 'Yung mga basher nandiyan na po, kaya ingat po talaga.”

Dahil bago ang kanilang online show, may kaakibat na pressure na magdeliver silang apat.

Pero hindi ito iniisip ni Abdul Raman at mas nag-focus siya na i-enjoy nila sa The Cray Crew ang paggawa ng content.

Tugon niya, “Basta nag-eenjoy lang kami and then basta nagtatawanan lang kami, bahala na 'yung viewers magdecide if they like our content, kasi darating din 'yung mga group of people na actually like our content 'yun 'yung view ko.”

For more exclusive content or updates about The Cray Crew boys, please log on to GMANetwork.com or visit the official YouLOL YouTube page!

Related content:

YouLOL brings more laughter as it launches all-new programs to tickle your funny bones!