GMA Logo The Cray Crew boys
What's on TV

The Cray Crew boys, may inspiring message sa mga batang hirap sa online classes

By Aedrianne Acar
Published November 30, 2025 8:01 AM PHT
Updated December 17, 2020 5:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

The Cray Crew boys


Ano kaya ang naging diskarte ni Kim de Leon para ma-enjoy ang kanyang online classes? Alamin dito:

Isa ba kayo sa mga kabataang nahihirapan sa online distance learning ngayon?

Hindi naging madali ang pagbabago na ito sa klase ng edukasyon sa ating bansa para maprotektahan ang milyun-milyon na estudyante mula sa nakakahawang sakit na COVID-19.

Sa panayam ng GMANetwork.com sa The Cray Crew heartthrobs, ibinahagi nina Abdul Raman, Allen Ansay, Kim de Leon at Radson Flores ang mga mensahe nila sa mga batang hirap pa rin mag-adjust sa kanilang online classes.

Photos taken from Allen Ansay, Abdul Raman, Kim de Leon and Radson Flores's Instagram account

Para sa StarStruck Ultimate Male Survivor na si Kim de Leon, ikinuwento niya ang experience ng sarili niyang kapatid na may online classes din.

Ani Kim, “I have a sister na enrolled online, just like you guys, and one-time nakinig rin ako sa lecture ng prof nila.

"I was so happy to experience it dahil nakikita ko yung dedication and enthusiasm ng prof nila, kaya sana kayo rin.

“I hope you can still find inspiration to be eager to learn, kahit na maraming challenges ang distance learning.

"I enjoyed listening to that professor, and that is the key, enjoy it if you can. Focus on your goals, you can do it!”

Sobra naman naka-relate ang commercial model-actor na si Abdul Raman sa mga pinagdadaanan ng mga estudyante ngayon.

Paano siya naka-adapt sa new normal?

Payo niya, “As a person who went through that myself my advice is to just cope with it, that's what I did during the pandemic and my hobbies helped me a lot, bata pa lang tayo we shouldn't be thinking of too many problems, and sleep early!

Naniniwala namang ang vlogger heartthrob na si Allen Ansay na mahalaga ang focus sa mga mag-aaral ngayon.

“Marami po talagang nanibago po sa online schooling pero ang mapapayo ko po ngayon ay mag-focus lang po 'wag po mamadaliin, intindihin po talaga ng mabuti at relax lang po kasi kayang kaya naman po nating lahat 'to.” paliwanag ni Allen.

Graduate ng kursong Legal Management sa University of Santo Tomas (UST) ang Kapuso cutie na si Radson Flores.

Binigyan-diin niya na importante na magtiyaga pansamantala ang mga kabataan habang wala pang vaccine sa COVID-19.

Sabi ni Radson, “Siguro tiyaga lang hanggang makakakuha na ng vaccine at maka-set na ng maayos na protocols para makapag-face to face classes na.

“We all have that Filipino resilience inside of us, wag lang mawalan ng pag-asa.”

Kung hanap-hanap n'yo ang kulitan nina Abdul,Allen, Kim at Radson, abangan ang 'Inuman Quiz” episode ng The Cray Crew boys mamayang gabi sa official Kapuso comedy channel na YouLOL sa oras na 6 PM.

WATCH: 'Try Not to Laugh' challenge with 'The Cray Crew' boys

WATCH: Pilot episode of 'The Cray Crew'