What's on TV

Ano ang sexiest part ng isang lalaki para kay Lovely Abella?

By Aedrianne Acar
Published February 3, 2021 4:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Ladies Room


Balikan ang chikahan nina Chariz Solomon, Lovely Abella, at Analyn Barro sa 'Ladies Room' DITO:

Madalas na mapag-usapan kung ano tipo ng mga lalaki sa isang babae.

Pero sa online chikahan ng Bubble Gang babes na sina Chariz Solomon, Lovely Abella, at Analyn Barro para sa Ladies Room, baliktad naman at kanilang pinag-usapan kung aling parte ng isang lalaki ang pinaka-sexy para sa kanila.

Unang sumagot sa tanong ang comedienne na si Analyn Barro na diretsahan na sinabi na arms ng isang lalaki ang pumupukaw sa kanyang atensyon.

Paliwanag niya, “Mas na-aattract talaga ako sa braso [smiles]. Gusto ko talaga 'yung may [hold her arms] nahahawakan akong something.

“Kasi parang feeling ko safe ako, feeling ko kaya niya ako ganun.

“Kaya niya ako! [laughs]”

Samantala, naka-sama din sa Ladies Room kahit nasa honeymoon si Lovely Abella, matapos ikasal kay Benj Manalo.

Walang patumpil-tumpik na sinabi ni Mrs. Manalo na attracted siya sa mga lalaki na maganda ang puwet.

Wika nito, “Ako kasi talaga na-a-aattract talaga ako sa mga lalaking maganda ang puwet. Di ba?”

Dagdag ni Lovely, “Kung iisipin mo ah, nakatalikod pa lang, tapos ang ganda ng hulma ng puwet. Puwet pa lang mmmm ulam na [laughs].”

Para naman sa mom of three na si Chariz Solomon, dagdag pogi points sa isang lalaki ang pagkakaroon ng maganda dibdib.

“Doon na ako sa dibdib. Siguro gusto ko din 'yung parang teddy bear kasi.

“'Yung para kang, 'Ooooh, I'm so small,' parang ganun, 'yung para sa'yo Ana 'yung para kang secured.”

Muling balikan ang extra hot na chikahan ng mga Bubble Gang girls sa video above o kaya naman DITO.

Heto pa ang ilan sa funny scenes na na-miss n'yo sa Ladies Room sa video below!

'Bubble Gang' babes react to male's average sizes per country!

Ana Barro, na-HOKAGE na ba ni Sef Cadayona?

What matters most, SIZE or PERFORMANCE?

Check out the Instagram-worthy photos of Ladies Room guest celebrity Analyn Barro in this gallery.